Expectation vs Reality: Pension sa Cabuyao, Doble sa Inaasahan
Puno ng saya at pasasalamat ang Katapatan Court sa Cabuyao City kanina August 11,nang isagawa ang Senior Pension ATM Distribution para sa 1,200 benepisyaryong senior citizen.
Marami sa kanila ang dumating nang maaga, dala ang inaasahan na P1,500 na tulong mula sa lokal na pamahalaan. Ngunit laking gulat at tuwa ng lahat nang ianunsyo ni Mayor Dennis “Denha” Hain na hindi lamang P1,500 ang matatanggap nila—kundi doble, P3,000 bawat isa.



Ang dagdag na halaga ay malaking tulong para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin, lalo na sa pagbili ng gamot, pagkain, at iba pang pangangailangan. Ayon kay Mayor Denha, ito ay bahagi ng kanyang pangako na unahin at alagaan ang kapakanan ng mga nakatatanda sa Cabuyao
- MONDE NISSIN POSTS 16.1% GROWTH IN CORE NET INCOME, REACHES ₱8.3 BILLION IN FIRST NINE MONTHS OF 2026 - November 8, 2026
- Cha Hernandez pushes grassroots mental health support through frontline worker training - October 28, 2026
- Media, police unite vs. fake news, push stronger public safety drive in Calabarzon - October 28, 2026
