Higit 50 Poste ng Kuryente tatanggalin sa Los Baños para maibsan ang matinding Trapiko — Gov. Aragones

Agad na ipinag-utos ni Laguna Governor Sol Aragones ang pagtanggal ng mga poste ng kuryente na nakaharang sa ikatlong lane ng isang pangunahing kalsada sa Los Baños, bilang hakbang upang maibsan ang matagal nang problema sa mabigat na trapiko, lalo na tuwing rush hour.
Opisyal nang sinimulan ngayong araw ang road-clearing operation sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, Lokal na Pamahalaan ng Los Baños sa pangunguna ni Mayor Niel Nocon, Meralco, at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Mahigit 50 poste ng kuryente ang target tanggalin upang ganap nang magamit ng publiko ang tatlong lane ng kalsada. Itinuturing itong mahalagang hakbang para mapabuti ang daloy ng trapiko at mapalawak ang kapasidad ng daan.
Ikinatuwa ng maraming motorista ang nasabing hakbang, at naghayag ng pasasalamat at pag-asa. Sa loob ng maraming taon, tiniis ng mga commuter ang matinding trapiko sa Los Baños, dulot ng mga poste ng kuryente na nakaharang sa daan. Ngayon na nagsimula na ang pagtanggal ng mga ito, umaasa ang mga driver sa mas maayos at mabilis na biyahe araw-araw.

- LaguNanay, Nanguna sa Pagtulong sa mga Biktima ng Landslide sa San Pedro City - July 19, 2025
- KINATAWAN NG BIÑAN, NAGHAIN NG 8 PANUKALANG BATAS AT 1 RESOLUSYON SA KONGRESO - July 12, 2025
- Higit 50 Poste ng Kuryente tatanggalin sa Los Baños para maibsan ang matinding Trapiko — Gov. Aragones - July 4, 2025