City Government of Biñan, Nakakuha ng Unmodified Opinion mula sa COA para sa Taong 2024

Biñan City — Muling kinilala ang kahusayan ng pamahalaang lungsod ng Biñan matapos itong makamit ang Unmodified Opinion mula sa Commission on Audit (COA) para sa fiscal year 2024 — ang pinakamataas na audit rating na maaaring ibigay ng ahensya.
Ayon sa COA, ang pagkakaloob ng Unmodified Opinion ay nangangahulugang maayos, tapat, at walang labis o kulang ang pagkakapresenta ng financial statements ng lungsod.
Itinuturing itong malaking tagumpay para sa administrasyon ng lungsod bilang patunay ng transparency, good governance, at responsableng paggamit ng pondo ng bayan.
Ang audit rating na ito ay isang indikasyon na ang mga pinansyal na transaksyon ng lungsod ay sumusunod sa pamantayan ng batas at tamang accounting procedures, na lalong nagpapalakas ng tiwala ng publiko sa lokal na pamahalaan.

- LaguNanay, Nanguna sa Pagtulong sa mga Biktima ng Landslide sa San Pedro City - July 19, 2025
- KINATAWAN NG BIÑAN, NAGHAIN NG 8 PANUKALANG BATAS AT 1 RESOLUSYON SA KONGRESO - July 12, 2025
- Higit 50 Poste ng Kuryente tatanggalin sa Los Baños para maibsan ang matinding Trapiko — Gov. Aragones - July 4, 2025