๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐๐ฅ ๐๐ฅ๐จ๐ง๐ญ๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ค๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ขรฑ๐๐ง
Nangako si Mayor Gel Alonte na paiigtingin ang serbisyong pangkalusugan sa lungsod ng Biรฑan sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang bagong halal na alkalde.
Sa kanyang panunumpa sa katungkulan, binigyang-diin ni Mayor Alonte ang kahalagahan ng pagpapalakas sa Biรฑan City Hospital at mga primary health care services sa lungsod. Kabilang sa kanyang mga prayoridad ang pagkakaloob ng libreng at abot-kayang gamutan, suporta sa mental health, at mas pinahusay na programang pang-nutrisyon para sa mga residente.
“Titiyakin natin na ang bawat Biรฑanense ay may access sa dekalidad at abot-kayang serbisyong medikal โ mula sa simpleng gamutan hanggang sa mental health support,” pahayag ng alkalde.
Ang kanyang mga plano ay bahagi ng mas malawak na layunin na itaguyod ang isang mas malusog, mas matatag, at mas inklusibong pamayanan para sa lahat ng mamamayan ng Biรฑan.

- Mapรบa MCL Earns Tier 1 Status in Engineering Education - October 25, 2025
- SM City Santa Rosa Welcomes the Holidays with the Grand Unveiling of โBallet Symphoniesโ Christmas Centerpiece - October 24, 2025
- Mapรบa University and Ayala Launch New School of Hospitality and Tourism Management - October 16, 2025
