𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗠𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗲𝗿𝗺𝗮𝗻𝗲𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗿𝘇𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗺𝗯𝗮 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 30, 2025 | 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗺𝗯𝗮 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮

0
𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗠𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗲𝗿𝗺𝗮𝗻𝗲𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗿𝘇𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗺𝗯𝗮 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 30, 2025 | 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗺𝗯𝗮 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮

Nakatakdang magtayo ng permanenteng tanggapan ang Commission on Elections (COMELEC) Region IV-A (Calabarzon) sa Lungsod ng Calamba matapos ang paglagda sa Deed of Usufruct Agreement sa pagitan nina COMELEC Chairperson George Erwin Garcia at Calamba City Mayor Roseller “Ross” Rizal.

Ginanap ang pirmahan nitong Huwebes sa Convention Hall ng Jose Rizal Coliseum sa Calamba City. Sa nasabing kasunduan, pormal na pinahintulutan ang paggamit ng bahagi ng Government Regional Center na matatagpuan sa Barangay Mapagong bilang lokasyon ng itatayong regional office ng COMELEC.

Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Rizal ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng komunidad.

“𝑨𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒖𝒏𝒍𝒂𝒅 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒐𝒎𝒖𝒏𝒊𝒅𝒂𝒅 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒏𝒈𝒂 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒔𝒕𝒊𝒕𝒖𝒔𝒚𝒐𝒏. 𝑼𝒎𝒊𝒖𝒔𝒂𝒅 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒉𝒆𝒏𝒔𝒚𝒂 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒂𝒏 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂, 𝒏𝒂𝒈𝒕𝒖𝒕𝒖𝒍𝒖𝒏𝒈𝒂𝒏, 𝒂𝒕 𝒌𝒖𝒎𝒊𝒌𝒊𝒍𝒐𝒔 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒚𝒖𝒏𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒏𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅 𝒔𝒂 𝒕𝒂𝒐,” 𝒂𝒏𝒊 𝑹𝒊𝒛𝒂𝒍.

Samantala, malugod namang tinanggap ni Chairperson Garcia ang inisyatibang ito at ipinahayag na ang pagtatatag ng permanenteng tanggapan ng COMELEC sa Calamba City ay magpapalakas sa presensya ng ahensya at magpapabuti sa paghahatid ng serbisyo publiko sa buong rehiyon ng Calabarzon.

“𝑺𝒂 𝒉𝒂𝒌𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒊𝒕𝒐, 𝒎𝒂𝒔 𝒏𝒂𝒑𝒂𝒑𝒂𝒍𝒂𝒑𝒊𝒕 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝑪𝑶𝑴𝑬𝑳𝑬𝑪 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒃𝒂𝒓𝒛𝒐𝒏 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒔𝒊𝒔𝒊𝒈𝒖𝒓𝒐 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔 𝒎𝒂𝒅𝒂𝒍𝒊 𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒃𝒐𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐,” 𝒑𝒂𝒉𝒂𝒚𝒂𝒈 𝒏𝒊 𝑮𝒂𝒓𝒄𝒊𝒂.

Ang pagtatayo ng bagong regional office ay inaasahang magbibigay ng mas episyenteng serbisyo sa mga lokal na tanggapan ng COMELEC sa rehiyon at magpapabilis sa implementasyon ng mga programa nito para sa malinis, maayos, at tapat na halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *