3 lalaking Taga-Calatagan, Batangas na nawawala matapos mag-deliver ng kambing sa Mindanao, natagpuang naka­libing sa Maguindanao

0
3 lalaking Taga-Calatagan, Batangas na nawawala matapos mag-deliver ng kambing sa Mindanao, natagpuang naka­libing sa Maguindanao

Kinumpirma ng tagapagsalita ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region na si PLt. Col. Jopy Ventura na ang tatlong bangkay na natagpuan sa Sitio Goma, Barangay Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur noong Biyernes ay ang tatlong lalaking napaulat na nawawala mula sa Calatagan, Batangas.

Matatandaang noong Mayo 11 ay nanawagan ang mga kaanak ng mga biktima matapos silang hindi na makauwi mula sa pagde-deliver ng kambing sa nasabing lugar.

Ayon sa mga kaanak, kinilala ang mga biktima na sina:

  • Jhon Luis Agkis Olarte, 22 taong gulang, nakasuot ng itim na damit,
  • Jerry Aducon Olarte, 31 taong gulang, nakasuot ng pulang damit, at
  • Ronald Ravino Alumno, 37 taong gulang, na nakasuot naman ng damit na Guess brand.

Naka­sakay umano ang tatlo sa isang puting Mitsubishi L300 na may kargang anim na kambing, patungo sa Lintangan Elementary School sa Barangay Lintangan upang makipagkita sa isang buyer.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *