32 Street-Level Drug Suspects, naaresto sa 20 operasyon sa CALABARZON; higit P399K halaga ng ipinagbabawal na gamot, nasabat

0
32 Street-Level Drug Suspects, naaresto sa 20 operasyon sa CALABARZON; higit P399K halaga ng ipinagbabawal na gamot, nasabat

Camp BGen Vicente P. Lim – Umabot sa 32 na Street Level Individuals (SLIs) ang naaresto sa 20 magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga na matagumpay na isinagawa ng Police Regional Office CALABARZON sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director PBGen Paul Kenneth T. Lucas.

Sa mga isinagawang operasyon sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon, nakumpiska ang humigit-kumulang 58.45 gramo ng hinihinalang shabu at 19.48 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana. Ang kabuuang halaga ng nasabat na droga ay tinatayang nasa Php399,797.60 base sa standard drug price.

Ayon kay PBGen Lucas, ang tagumpay ng mga operasyong ito ay bunga ng masusing intelligence gathering, epektibong koordinasyon ng mga yunit ng pulisya, at aktibong partisipasyon ng komunidad sa kampanya laban sa ilegal na droga.

“Ang resulta ng mga operasyong ito ay patunay ng patuloy na suporta ng publiko sa ating laban kontra droga. Hinihikayat namin ang mas masigasig na pakikiisa ng bawat mamamayan upang tuluyang masugpo ang salot ng ilegal na droga,” pahayag ni PBGen Lucas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang mga naarestong suspek at sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(RPIO4A)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *