Mayor Najie, Idineklara ang San Pablo City bilang “Kotong-Free City”
Pag-upo ni Barangay Kagawad Najie B. Gapangada Jr. bilang bagong alkalde ng San Pablo City, agad niyang ipinatupad ang kanyang unang hakbanginโang pagdedeklara sa lungsod bilang KFC o Kotong-Free City. Layunin nito na muling maibalik ang tiwala ng mga mamamayan at negosyante sa pamahalaang lokal.
Sa ilalim ng programang ito, ipinagbabawal ang pagtanggap ng suhol o komisyon ng mga opisyal at kawani ng City Hall. Hindi rin papayagan ang pagpapatong ng presyo sa pagbili ng mga kagamitan at office supplies, pagtanggap ng “goodwill money” mula sa mga negosyante, at ang presensya ng mga fixer sa mga transaksyon. Inatasan din ni Mayor Najie ang Bids and Awards Committee na isapubliko ang lahat ng proseso at resulta ng bidding para sa mga proyekto at pagbili ng gamot, supplies, at iba pang kagamitan.
Bilang bahagi ng kanyang patakaran laban sa korapsyon, ipinagbawal ng alkalde ang kanyang pamilya at mga kamag-anak na makipagtransaksyon sa City Hall. Wala rin siyang binigyan ng posisyon mula sa kanyang pamilya. Aniya, hindi papayagan ang palakasan system sa pagtanggap ng mga bagong empleyado o sa promosyon ng mga kawani.
Bilang bagong kasapi ng Mayors for Good Governance na pinamumunuan ni Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City, binigyang-diin ni Mayor Najie na ang pagbabalik ng tiwala ng publiko at ng sektor ng negosyo ang magiging susi upang muling umunlad ang San Pablo, na halos tatlong dekada nang hindi nakakapag-akit ng malalaking mamumuhunan.

- Experts warn tech-enabled trafficking demands innovation - June 24, 2026
- ๐๐: ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด โ๐๐ป๐ฑ-๐๐ผ-๐๐ป๐ฑโ ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐บ, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐๐๐ถ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ฒ๐ด๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ - June 17, 2026
- ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐บ๐ผ. – ๐๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐บ๐บ๐ถ๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป - June 10, 2026
