Kick-off ng Linggo ng Distrito: Puno ang Alay para sa Kalikasan
CALAMBA CITY, LAGUNA — Isang hindi pangkaraniwang kick-off ang isinagawa ni Rep. Cha Hernandez para sa Linggo ng Distrito. Simple pero makabuluhan ang pinili niyang aktibidad na isang tree planting activity kasama ang mga miyembro ng I Am Change Movement at ang Sangguniang Barangay ng Barangay Puting Lupa na pinamumunuan ni Kapitan Allan S. Padraja.


Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Rep. Hernandez ang malalim na kahulugan ng gawaing ito. Ani ni Hernandez, “Ang bawat punong itinatanim ay may halaga at nagsisilbing pamana para sa susunod na henerasyon.”
Mula sa Kalikasan, Tungo sa Gobyerno
Hindi lamang tungkol sa kalikasan ang naging sentro ng mensahe ni Rep. Hernandez. Ginamit din niya ang pagkakataon upang ipahayag ang kanyang pagkakaisa sa mga apektadong mamamayan sa gitna ng katiwalian sa gobyerno. “Nakikiisa po ako, nakikiramay ako sa ating inang kalikasan na napapabayaan, at higit sa lahat sa taong bayan na naaapektuhan,” mariin niyang sabi.
Binatikos din niya ang pananaw na ang lingkod ng distrito ay para sa sarili at iginiit na ito ay dapat para sa tao. Binanggit niya ang pagbabago sa kanilang adbokasiya upang isulong ang transparency at tunay na pagbabago.
Panawagan sa Mapanuring Mamamayan
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng kanyang talumpati ay ang panawagan para sa isang mas mulat at responsableng mamamayan. Hinikayat niya ang mga kabataan at ang lahat na maging mapanuri sa pamamagitan ng panonood ng mga “makatotohanang balita,” “privileged speeches ng ating mga senador,” at “committee hearings.”
Pinuri rin niya ang mga lider tulad nina Mayor Vico Sotto ng Pasig city at Mayor Benji Magalong ng Baguio City, na aniya’y dapat tularan dahil sa kanilang paninindigan.
“Hindi lang kalikasan ang dapat nating pangalagaan, kundi pati ang pondo ng taong bayan,” pagtatapos niya. Nagpahayag siya ng pag-asa na ang pagbabagong ito ay “dapat maramdaman ng buong bansa.”
Bilang pagtanggap, binati niya ang lahat sa kick-off ng Linggo ng Distrito at pinasalamatan ang pakikiisa ng Sambanang Barangay ng Puting Lupa—isang lugar na “puting lupa, ngunit berde at kayumanggi ang kulay ng kalikasan.”


- Mapúa MCL Earns Tier 1 Status in Engineering Education - October 25, 2025
- SM City Santa Rosa Welcomes the Holidays with the Grand Unveiling of ‘Ballet Symphonies’ Christmas Centerpiece - October 24, 2025
- Mapúa University and Ayala Launch New School of Hospitality and Tourism Management - October 16, 2025
