Proud Lagunense: Atty. Melvin Matibag pamumunuan ang NBI
Itinalaga si Atty. Melvin Matibag bilang bagong Director ng National Bureau of Investigation (NBI). Opisyal siyang pinangalanan ng Palasyo noong Pebrero 19, 2026.
Bilang bagong pinuno ng NBI, pamumunuan ni Atty. Matibag ang pangunahing ahensiya ng pambansang imbestigasyon ng bansa na nasa ilalim ng Department of Justice.
Si Atty. Matibag ay may mahabang karanasan sa pamahalaan. Nagsilbi siyang acting Cabinet Secretary sa ilalim ng administrasyon ni Rodrigo Duterte at naging Secretary General ng Partido Demokratiko PilipinoโLakas ng Bayan (PDP-Laban) bago siya nagbitiw noong 2023.
Bukod dito, humawak din siya ng mahahalagang posisyon sa ibaโt ibang government-owned and controlled corporations.
Ang kanyang pagkakatalaga bilang Director ng NBI ay inaasahang magdadala ng panibagong direksyon at mas pinaigting na pagpapatupad ng batas sa bansa. Sa kanyang karanasan sa pamahalaan at pamumuno, marami ang umaasa na maipagpapatuloy at mapapalakas ang mandato ng NBI sa pagpapanatili ng hustisya at kaayusan.

- ๐ฃ๐ ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐บ ๐ฏ๐ผ๐ผ๐บ ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ ๐ฏ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฝ๐ด๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ถ๐ด๐ป ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ ๐ณ๐น๐ผ๐ฐ๐ธ ๐ถ๐ป - August 22, 2026
- Calauan Advances Waste-to-Energy Project, Eyes Regional Solution to Growing Waste Problem - August 18, 2026
- Mayor Marasigan Presents Key Gains, Development Plans in 5th SOCA - August 12, 2026
