EEI Corp. pormal ng binuksan ang TESDA-Accredited Training Academy sa Tanza, Cavite
TANZA, CAVITE โ Isang malaking hakbang para sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga manggagawang Pilipino ang pormal na pagbubukas ng EEI Corporation ng bago nitong EEI Training Academy sa bayan ng Tanza.
Ang halos tatlong ektaryang pasilidad ay opisyal nang kinilala bilang TESDA-Accredited Training and Assessment Center matapos igawad dito ang Certificate of TVET Program Registration.
Layunin ng EEI Training Academy na palakasin ang kakayahan ng Filipino workforce sa larangan ng konstruksyon sa pamamagitan ng makabagong pagsasanay at skills development programs. Ayon sa kumpanya, ang pasilidad ay maaaring tumanggap ng hanggang 500 trainees at magbibigay ng holistic training para sa craft workers at professional staff.
Sa pahayag ni EEI Training Academy President Jesus Teodoro C. Reyes, ang akademya ay hindi lamang para makahanap ng pinakamahusay na talento kundi para alagaan at paunlarin ang mga ito.
โHabang kilala kami sa pagtatayo ng matitibay na estruktura, pantay ang aming dedikasyon sa pagbuo ng matatag na pundasyon para sa aming human capital,โ ani Reyes.
Inaasahang makatutulong ang akademya hindi lamang sa mga empleyado ng EEI kundi pati sa pagpapalakas ng construction workforce sa rehiyon ng Cavite at mga karatig-lalawigan.

- Experts warn tech-enabled trafficking demands innovation - June 24, 2026
- ๐๐: ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด โ๐๐ป๐ฑ-๐๐ผ-๐๐ป๐ฑโ ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐บ, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐๐๐ถ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ฒ๐ด๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ - June 17, 2026
- ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐บ๐ผ. – ๐๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐บ๐บ๐ถ๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป - June 10, 2026
