Expectation vs Reality: Pension sa Cabuyao, Doble sa Inaasahan

0
Expectation vs Reality: Pension sa Cabuyao, Doble sa Inaasahan

Puno ng saya at pasasalamat ang Katapatan Court sa Cabuyao City kanina August 11,nang isagawa ang Senior Pension ATM Distribution para sa 1,200 benepisyaryong senior citizen.

Marami sa kanila ang dumating nang maaga, dala ang inaasahan na P1,500 na tulong mula sa lokal na pamahalaan. Ngunit laking gulat at tuwa ng lahat nang ianunsyo ni Mayor Dennis โ€œDenhaโ€ Hain na hindi lamang P1,500 ang matatanggap nilaโ€”kundi doble, P3,000 bawat isa.

Ang dagdag na halaga ay malaking tulong para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin, lalo na sa pagbili ng gamot, pagkain, at iba pang pangangailangan. Ayon kay Mayor Denha, ito ay bahagi ng kanyang pangako na unahin at alagaan ang kapakanan ng mga nakatatanda sa Cabuyao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *