LaguNanay, Nanguna sa Pagtulong sa mga Biktima ng Landslide sa San Pedro City
Pinangunahan ni Laguna 1st District Representative Ann Matibag ang agarang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng landslide sa Barangay Sampaguita noong gabi ng Huwebes, Hulyo 17.
Naganap ang pagguho ng lupa bandang alas-10 ng gabi dahil sa malakas na ulang dala ng Bagyong “Crising” at pinalakas pang habagat, na nagdulot ng pagkasira sa mga tirahan ng pitong pamilya o kabuuang 37 katao.
Agad na nagtungo si Rep. Matibag, na kilala rin bilang “LaguNanay,” sa lugar ng insidente upang personal na mamahagi ng tulong. Bawat pamilyang apektado ay nakatanggap ng โฑ10,000 na cash assistance, grocery packs, at hygiene kits. Ang relief operation ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of Civil Defense (OCD), at Zonta Club of Laguna.


โHindi dapat mawalan ng pag-asa ang ating mga kababayan,โ ayon kay Matibag, kasabay ng panawagan para sa pagkakaisa at mabilis na pagkilos para sa muling pagbangon ng mga naapektuhan.
Nanawagan din siya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang kinauukulang ahensya na agad simulan ang rehabilitasyon upang maiwasan ang dagdag na panganib.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga pamilyang nawalan ng bahay sa Barangay Hall na itinalagang evacuation center habang patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad sa posibilidad ng karagdagang pagguho dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

- Experts warn tech-enabled trafficking demands innovation - June 24, 2026
- ๐๐: ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด โ๐๐ป๐ฑ-๐๐ผ-๐๐ป๐ฑโ ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐บ, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐๐๐ถ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ฒ๐ด๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ - June 17, 2026
- ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐บ๐ผ. – ๐๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐บ๐บ๐ถ๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป - June 10, 2026
