Mayor Najie, Idineklara ang San Pablo City bilang “Kotong-Free City”
Pag-upo ni Barangay Kagawad Najie B. Gapangada Jr. bilang bagong alkalde ng San Pablo City, agad niyang ipinatupad ang kanyang unang hakbangin—ang pagdedeklara sa lungsod bilang KFC o Kotong-Free City. Layunin nito na muling maibalik ang tiwala ng mga mamamayan at negosyante sa pamahalaang lokal.
Sa ilalim ng programang ito, ipinagbabawal ang pagtanggap ng suhol o komisyon ng mga opisyal at kawani ng City Hall. Hindi rin papayagan ang pagpapatong ng presyo sa pagbili ng mga kagamitan at office supplies, pagtanggap ng “goodwill money” mula sa mga negosyante, at ang presensya ng mga fixer sa mga transaksyon. Inatasan din ni Mayor Najie ang Bids and Awards Committee na isapubliko ang lahat ng proseso at resulta ng bidding para sa mga proyekto at pagbili ng gamot, supplies, at iba pang kagamitan.
Bilang bahagi ng kanyang patakaran laban sa korapsyon, ipinagbawal ng alkalde ang kanyang pamilya at mga kamag-anak na makipagtransaksyon sa City Hall. Wala rin siyang binigyan ng posisyon mula sa kanyang pamilya. Aniya, hindi papayagan ang palakasan system sa pagtanggap ng mga bagong empleyado o sa promosyon ng mga kawani.
Bilang bagong kasapi ng Mayors for Good Governance na pinamumunuan ni Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City, binigyang-diin ni Mayor Najie na ang pagbabalik ng tiwala ng publiko at ng sektor ng negosyo ang magiging susi upang muling umunlad ang San Pablo, na halos tatlong dekada nang hindi nakakapag-akit ng malalaking mamumuhunan.

- Mapúa MCL Earns Tier 1 Status in Engineering Education - October 25, 2025
- SM City Santa Rosa Welcomes the Holidays with the Grand Unveiling of ‘Ballet Symphonies’ Christmas Centerpiece - October 24, 2025
- Mapúa University and Ayala Launch New School of Hospitality and Tourism Management - October 16, 2025
