โ๐๐ ๐ฐ๐ถ๐๐ฒ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐ถ-๐ฒ๐ ๐ฒ๐ฐ๐๐๐ฒโ: ๐๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐ ๐ฆ๐ธ๐ถ๐ป ๐๐๐ข ๐๐น๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐๐ฟ๐๐, ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด๐
Excited si Brilliant Skin Essentials CEO Glenda Dela Cruz na mai-apply sa kanyang negosyo ang mga bagong kaalaman at pananaw na kanyang natutunan matapos makumpleto ang isang intensive program sa Harvard Business School.
Kamakailan ay natapos ni Dela Cruz, na mas kilala bilang โMiss Glenda,โ ang anim na araw na Strategic Marketing for Driving Growth program sa Harvard Business School.
Sa programa, hinarap niya ang 19 business cases kasama ang mga entrepreneur at business leaders mula sa ibaโt ibang bansa, industriya at professional backgrounds.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Dela Cruz ang kanyang excitement na maiuwi at magamit sa Brilliant Skin Essentials ang mga natutunan niya.
โExcited nako para kay Brilliant Skin Essentials. Sa totoo lang, sa dami kong NOTES, excited na akong i-execute ang mga natutunan ko,โ ani Dela Cruz.
Aniya, hindi lamang certificate ang kanyang naiuwi mula sa Harvard Business School kundi mas malalim na pananaw tungkol sa negosyo, leadership at growth.
โHindi lang ako uuuwi na may certificate, umuwi ako with a deeper perspective on business, leadership, and growth. Finally, no more sleepless nights!โ
Kabilang sa mga tinalakay sa programa ang strategic marketing, customer behavior, business growth, pricing, competition, leadership, decision-making at artificial intelligence (AI).
Para kay Dela Cruz, naging mahalagang bahagi ng programa ang pag-aaral ng mga totoong business situations kung saan kinakailangang suriin ang problema, kuwestiyunin ang mga assumptions at gumawa ng mga desisyon.
โWhat I loved most was that we werenโt just listening to lectures. We were given real business situations and asked to think, analyze, challenge assumptions, and make decisions,โ aniya.
๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐๐ฝ๐ฎ๐ฑ
Inilarawan din ni Dela Cruz ang pagkumpleto sa Harvard Business School program bilang isang mahalagang personal milestone.
Ibinahagi niya na matagal na niyang pangarap na makapag-aral sa Harvard Business School, lalo naโt hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo.
โHarvard Business School, youโve been a dream come true. And I hope, this will serve as an inspiration sa mga katulad ko na hindi nakatapos ng pag-aaral. Na may pag-asa at pwede pang matuto through this kind of program,โ pahayag niya.
๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐
Mas pinagtibay rin ng kanyang karanasan ang paniniwala ni Dela Cruz na mahalaga ang patuloy na pag-aaral para sa mga business owners, lalo na sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya at artificial intelligence.
Ayon sa kanya, binabago na ng AI ang paraan ng paggawa ng content at marketing, pag-unawa sa customers, decision-making at pagpapalago ng mga negosyo.
Gayunman, sinabi niyang hindi lamang teknolohiya ang mahalaga kundi pati ang paraan ng pag-iisip at pamumuno ng isang business owner sa paggamit ng mga bagong tools.
๐๐ป๐ฐ๐น๐๐๐ถ๐๐ถ๐๐ ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐ ๐ฆ๐ธ๐ถ๐ป
Bukod sa business development, kilala rin ang Brilliant Skin Essentials sa pagtataguyod ng inclusivity sa workplace.
Kabilang sa mahigit 1,000 empleyado ng kumpanya ang mga persons with disabilities o PWDs.
Kamakailan, pinuri ng actress at content creator na si Ivana Alawi ang naturang programa matapos bumisita sa isa sa mga production facility ng Brilliant Skin at makasalamuha ang mga manggagawa nito.
Ayon kay Alawi, may 11 PWD employees ang kumpanya na bahagi ng workforce nito.
โMas gusto kong suportahan yung mga business talaga na lahat welcome. Eleven ang PWD nila dito sa Brilliant Skin,โ ani Alawi.
Samantala, kinilala rin ang Brilliant Skin Essentials Inc. bilang 2025 Top Employer of the Year ng Municipality of Morong, Rizal.
Napabilang din ang kumpanya sa mga nangungunang business taxpayers sa munisipalidad matapos itong kilalanin bilang Top 3 Outstanding Business Taxpayers of the Year at Top 4 Highest Real Property Taxpayers of the Year.
Sa pagtatapos ng kanyang Harvard Business School journey, malinaw ang susunod na hakbang para kay Dela Cruzโang dalhin ang mga bagong kaalaman mula sa classroom patungo sa aktuwal na operasyon at paglago ng Brilliant Skin Essentials.

- โ๐๐ ๐ฐ๐ถ๐๐ฒ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐ถ-๐ฒ๐ ๐ฒ๐ฐ๐๐๐ฒโ: ๐๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐ ๐ฆ๐ธ๐ถ๐ป ๐๐๐ข ๐๐น๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐๐ฟ๐๐, ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด๐ - October 5, 2026
- Senate Resolution No. 591: Aquino, kinilala ang limang Pinoy dance crews sa world competition - September 9, 2026
- Bam Aquino pinuri ang mga batang Pinoy karatekas na nagpakitang-gilas sa kompetisyon sa China - September 6, 2026
