Senate Resolution No. 591: Aquino, kinilala ang limang Pinoy dance crews sa world competition

0
Senate Resolution No. 591: Aquino, kinilala ang limang Pinoy dance crews sa world competition

Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 591, kinilala at binati ni Senator Bam Aquino ang limang Filipino dance crews na nagpakitang-gilas sa 2026 World Hip Hop Dance Championship na ginanap mula Hulyo 25 hanggang Agosto 1 sa Phoenix, Arizona.

Kabilang sa mga pinarangalan sina Femme MNL, HQ, The Crew, Folk Jumpers, at Sayawatha Jr. matapos makamit ang mga medalya sa international competition na inorganisa ng Hip Hop International.

Nagtala ng kampeonato ang Femme MNL sa Megacrew Division, habang nagwagi naman ang HQ sa Adult Division.

Nakuha naman ng The Crew ang silver medal sa Megacrew Division, na nagbigay sa Pilipinas ng 1-2 finish matapos magkampeon dito ang Femme MNL.

Samantala, nag-uwi ng bronze medals ang Folk Jumpers sa Adult Division at Sayawatha Jr. sa Junior Division.

Hindi lamang ang mga nag-medalya ang kumatawan sa bansa. Lumahok din sa ibaโ€™t ibang divisions ang A-Kidz, Sayawatha, NDDU Generals, A-Gyalz, A-Boiz, at UNRVLD, na nagpakita rin ng husay, creativity, disiplina at sportsmanship ng mga Pilipino.

Ayon kay Aquino, patuloy na pinatutunayan ng mga Filipino dance crews ang kakayahan ng bansa na makipagsabayan sa international dance community.

Binigyang-diin din niya ang kontribusyon ng mga coach, choreographer, mentor, pamilya, dance organizations at supporters sa paghubog ng mga talentong Pilipino at pagtulong sa kanilang makipagkompetensya sa pinakamataas na antas.

Aniya, ang tagumpay ng mga dance crews ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang Pilipino na linangin ang kanilang talento sa performing arts at gamitin ang sayaw bilang paraan ng creativity, cultural expression at talent development.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, kabilang sa limang-puntong agenda ni Aquino ang pagpapalakas sa creative economy ng bansa at pagpapalawak ng oportunidad para sa Filipino artists, creators, filmmakers, designers at iba pang creative professionals sa international market.

Isinusulong din ni Aquino ang pagtatatag ng isang government agency na nakatuon sa pagsusulong at pagpapaunlad ng creative industries ng Pilipinas, na maaaring maging kahalintulad ng Korea Creative Content Agency (KOCCA) ng South Korea.

Kamakailan, kinilala rin ng senador ang mga tagumpay ng P-pop group SB19 at Nationโ€™s Girl Group BINI matapos ang kanilang mga milestone performances sa mga international music festivals.

Senate Resolution No. 591: Aquino, kinilala ang limang Pinoy dance crews sa world competition

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *