โ€œ๐—˜๐˜…๐—ฐ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ-๐—ฒ๐˜…๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐˜๐—ฒโ€: ๐—•๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—˜๐—ข ๐—š๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡, ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด๐˜€

0
โ€œ๐—˜๐˜…๐—ฐ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ-๐—ฒ๐˜…๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐˜๐—ฒโ€: ๐—•๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—˜๐—ข ๐—š๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡, ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด๐˜€

Excited si Brilliant Skin Essentials CEO Glenda Dela Cruz na mai-apply sa kanyang negosyo ang mga bagong kaalaman at pananaw na kanyang natutunan matapos makumpleto ang isang intensive program sa Harvard Business School.

Kamakailan ay natapos ni Dela Cruz, na mas kilala bilang โ€œMiss Glenda,โ€ ang anim na araw na Strategic Marketing for Driving Growth program sa Harvard Business School.

Sa programa, hinarap niya ang 19 business cases kasama ang mga entrepreneur at business leaders mula sa ibaโ€™t ibang bansa, industriya at professional backgrounds.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Dela Cruz ang kanyang excitement na maiuwi at magamit sa Brilliant Skin Essentials ang mga natutunan niya.

โ€œExcited nako para kay Brilliant Skin Essentials. Sa totoo lang, sa dami kong NOTES, excited na akong i-execute ang mga natutunan ko,โ€ ani Dela Cruz.

Aniya, hindi lamang certificate ang kanyang naiuwi mula sa Harvard Business School kundi mas malalim na pananaw tungkol sa negosyo, leadership at growth.

โ€œHindi lang ako uuuwi na may certificate, umuwi ako with a deeper perspective on business, leadership, and growth. Finally, no more sleepless nights!โ€

Kabilang sa mga tinalakay sa programa ang strategic marketing, customer behavior, business growth, pricing, competition, leadership, decision-making at artificial intelligence (AI).

Para kay Dela Cruz, naging mahalagang bahagi ng programa ang pag-aaral ng mga totoong business situations kung saan kinakailangang suriin ang problema, kuwestiyunin ang mga assumptions at gumawa ng mga desisyon.

โ€œWhat I loved most was that we werenโ€™t just listening to lectures. We were given real business situations and asked to think, analyze, challenge assumptions, and make decisions,โ€ aniya.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ

Inilarawan din ni Dela Cruz ang pagkumpleto sa Harvard Business School program bilang isang mahalagang personal milestone.

Ibinahagi niya na matagal na niyang pangarap na makapag-aral sa Harvard Business School, lalo naโ€™t hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo.

โ€œHarvard Business School, youโ€™ve been a dream come true. And I hope, this will serve as an inspiration sa mga katulad ko na hindi nakatapos ng pag-aaral. Na may pag-asa at pwede pang matuto through this kind of program,โ€ pahayag niya.

๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—”๐—œ

Mas pinagtibay rin ng kanyang karanasan ang paniniwala ni Dela Cruz na mahalaga ang patuloy na pag-aaral para sa mga business owners, lalo na sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya at artificial intelligence.

Ayon sa kanya, binabago na ng AI ang paraan ng paggawa ng content at marketing, pag-unawa sa customers, decision-making at pagpapalago ng mga negosyo.

Gayunman, sinabi niyang hindi lamang teknolohiya ang mahalaga kundi pati ang paraan ng pag-iisip at pamumuno ng isang business owner sa paggamit ng mga bagong tools.

๐—œ๐—ป๐—ฐ๐—น๐˜‚๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—ป

Bukod sa business development, kilala rin ang Brilliant Skin Essentials sa pagtataguyod ng inclusivity sa workplace.

Kabilang sa mahigit 1,000 empleyado ng kumpanya ang mga persons with disabilities o PWDs.

Kamakailan, pinuri ng actress at content creator na si Ivana Alawi ang naturang programa matapos bumisita sa isa sa mga production facility ng Brilliant Skin at makasalamuha ang mga manggagawa nito.

Ayon kay Alawi, may 11 PWD employees ang kumpanya na bahagi ng workforce nito.

โ€œMas gusto kong suportahan yung mga business talaga na lahat welcome. Eleven ang PWD nila dito sa Brilliant Skin,โ€ ani Alawi.

Samantala, kinilala rin ang Brilliant Skin Essentials Inc. bilang 2025 Top Employer of the Year ng Municipality of Morong, Rizal.

Napabilang din ang kumpanya sa mga nangungunang business taxpayers sa munisipalidad matapos itong kilalanin bilang Top 3 Outstanding Business Taxpayers of the Year at Top 4 Highest Real Property Taxpayers of the Year.

Sa pagtatapos ng kanyang Harvard Business School journey, malinaw ang susunod na hakbang para kay Dela Cruzโ€”ang dalhin ang mga bagong kaalaman mula sa classroom patungo sa aktuwal na operasyon at paglago ng Brilliant Skin Essentials.

โ€œ๐—˜๐˜…๐—ฐ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ-๐—ฒ๐˜…๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐˜๐—ฒโ€: ๐—•๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ธ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—˜๐—ข ๐—š๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡, ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด๐˜€

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *