DPWH Secretary Vince Dizon, sinibak ang ilang matataas na opisyal ng ahensya
Inanunsyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon nitong Lunes, Enero 12 ang pagsibak sa pwesto ng ilan matataas na opisyal ng ahensya.
Apat na Regional Directors kabilang sina Region 1 RD Ronnel M. Tan; Region 4A RD Jovel G. Mendoza; Region 5 RD Virgillo C. Eduarte; at Region 7 RD Danilo J. Villa.
Dalawang assistant regional directors (ARD), at dalawang district engineers (DE) ang na relieved din sa pwesto, kasama sina: OIC assistant regional directors Region 4B OIC ARD Neil C. Farala at Region 5 OIC ARD Annie S. Dela Vega.
Samantala, ang mga district engineers na tinanggal sa puwesto ay sina Metro Manila 3rd District Engineering Office (DEO) District Engineer Ruel V. Umali at South Manila DEO District Engineer Manny B. Bulusan.
Inihayag din ni Secretary Dizon ang pagtanggal sa ilang officer-in-charge (OIC) district engineers na nabigong matugunan ang mga kwalipikasyon na itinakda ng Civil Service Commission (CSC). Kabilang dito sina La Union 1st DEO OIC Sherylann Gonzales; Iloilo City DEO OIC Roy Pacanan; at Leyte 4th DEO OIC Peter Scheller Soco.
Ayon kay Dizon, epektibo agad ang pagkakatanggal sa mga nabanggit na opisyal simula Enero 12, habang sila ay kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon.
Dagdag pa niya, inaasahang maglalabas ang DPWH ng mas mahigpit at malinaw na merit-based requirements para sa lahat ng opisyal ng ahensya sa mga susunod na linggo.
