Libreng Gamot Hatid ng GOB Mobile Botika sa Apat na Bayan sa Laguna
LAGUNA — Sabay-sabay na naghatid ng libreng gamot ang apat na GOB Mobile Botika, bilang bahagi ng programa ng Gobyernong Panlalawigan ng Laguna upang mas mailapit sa mga mamamayan ang serbisyong pangkalusugan.



Nagtungo ang mga mobile botika sa Cabuyao, Los Baños, Alaminos, at Bay upang mamahagi ng libreng maintenance medicines sa mga kwalipikadong benepisyaryo.



Sa pamamagitan ng programa, layunin ng pamahalaang panlalawigan na gawing mas accessible ang mga kinakailangang maintenance medicines, lalo na para sa mga mamamayang nangangailangan ng tuloy-tuloy na gamot.



Patuloy na inilalapit ng GOB Mobile Botika ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad upang makatulong sa pagpapagaan ng gastusin ng mga pamilyang nangangailangan ng regular na gamot.


- Mekeni Brings Filipino Flavor and Innovation to WOFEX 2026 - August 12, 2026
- Cabuyao Opens Modern Integrated Learning Facility at Marinig National High School - August 12, 2026
- ENERGY REFORMS - August 12, 2026
