CHIZ PROPOSES 5-YEAR TERM FOR BARANGAY, SK LEADERS

0
CHIZ PROPOSES 5-YEAR TERM FOR BARANGAY, SK LEADERS

Maaaring mapalawig sa limang taon ang termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials kung maisasabatas ang panukala ni Sen. Chiz Escudero.

Sa Senate Bill No. 2387, iminungkahi ni Escudero na gawing limang taon, mula sa kasalukuyang apat na taon, ang termino ng mga barangay at SK officials. Kapag naisabatas, itatakda sa Nobyembre 2028 ang susunod na Barangay at SK Elections.

Bakit ito ipinoproposE?

Ayon kay Escudero, makatutulong ang mas mahabang termino upang magkaroon ang mga lokal na opisyal ng sapat na panahon para maipatupad, makumpleto, at mapanatili ang kanilang mga programa at proyekto.

Maaari rin umanong mabawasan ang pagkaantala sa mga proyekto na dulot ng pagbabago ng mga opisyal. Sa pamamagitan ng limang taong termino, layunin ng panukala na palakasin ang continuity ng mga programa, long-term planning, at stability sa pamamahala sa antas-barangay.

Paano naman ang mga nasa third term?

Hindi awtomatikong nangangahulugan ang panukala na maaari nang tumakbo muli ang mga kasalukuyang nasa kanilang ikatlong termino.

Mananatili ang umiiral na term-limit rules: hanggang tatlong magkakasunod na termino para sa barangay officials, habang isang termino lamang para sa SK officials. Dahil dito, ang mga barangay official na nasa kanilang ikatlong consecutive term ay hindi na maaaring kumandidato muli sa 2028 elections, alinsunod sa kasalukuyang limitasyon.

Sa madaling salita, layunin ng panukala na bigyan ang mga barangay at SK officials ng mas mahabang panahon upang maipatupad at maipagpatuloy ang kanilang mga programa, habang pinananatili ang umiiral na mga limitasyon sa termino.

Mahalagang tandaan: Senate Bill No. 2387 ay panukala pa lamang. Kailangan pa itong dumaan sa proseso ng Senado at Kamara bago ito tuluyang maging batas. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *