Bam Aquino nanatiling most favored senator sa 1Q survey ng Publicus Asia
Muling nanguna si Senador Bam Aquino bilang most favored senator sa PAHAYAG 1st Quarter survey ng Publicus Asia.
Matapos manguna sa PAHAYAG 2025 End-of-Year (PEOY-2025) survey ng Publicus Asia, napanatili ni Aquino ang kanyang matibay na suporta mula sa mga respondent matapos makakuha ng 59 porsiyentong net favorable rating, kabilang ang 30 porsiyento na nagsabi na siya’y “very favorable.”
Mas mataas ang pinakabagong rating ni Aquino kumpara sa 54 porsiyentong net favorable rating na nakuha niya sa PEOY-2025 survey. Pumangalawa at pangatlo naman ang kanyang mga kapwa miyembro ng mayorya—sina Senador Francis “Kiko” Pangilinan at Risa Hontiveros— na kapwa may 50 porsiyentong rating. Samantala, sina Senador Rodante Marcoleta, Bong Go, Raffy Tulfo, Ping Lacson, Robin Padilla, Alan Peter Cayetano, at Ronald “Bato” Dela Rosa ang kumumpleto sa Top 10. Ang PAHAYAG first quarter survey ay ginawa sa buong bansa bilang isang independent at non-commissioned survey gamit ang purposive sampling.
Ito’y isinagawa mula Marso 21 hanggang 24 na may 1,509 rehistradong botante. Ang mga respondent ay random na pinili mula sa market research panel ng PureSpectrum, isang kumpanyang nakabase sa U.S. na may pandaigdigang operasyon at regional office sa Singapore. Ang Publicus Asia ang tanging survey company na tama ang naging prediksyon na sina Go at Aquino ang magtatapos sa unang at ikalawang puwesto sa 2025 senatorial elections.
- 𝗣𝗛 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗯𝗼𝗼𝗺 𝗱𝗲𝗺𝗮𝗻𝗱𝘀 𝗯𝗼𝗿𝗱𝗲𝗿 𝘂𝗽𝗴𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝘀 𝗳𝗼𝗿𝗲𝗶𝗴𝗻 𝗿𝗲𝘁𝗶𝗿𝗲𝗲𝘀 𝗳𝗹𝗼𝗰𝗸 𝗶𝗻 - August 22, 2026
- Calauan Advances Waste-to-Energy Project, Eyes Regional Solution to Growing Waste Problem - August 18, 2026
- Mayor Marasigan Presents Key Gains, Development Plans in 5th SOCA - August 12, 2026
