EEI Corp. pormal ng binuksan ang TESDA-Accredited Training Academy sa Tanza, Cavite
TANZA, CAVITE — Isang malaking hakbang para sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga manggagawang Pilipino ang pormal na pagbubukas ng EEI Corporation ng bago nitong EEI Training Academy sa bayan ng Tanza.
Ang halos tatlong ektaryang pasilidad ay opisyal nang kinilala bilang TESDA-Accredited Training and Assessment Center matapos igawad dito ang Certificate of TVET Program Registration.
Layunin ng EEI Training Academy na palakasin ang kakayahan ng Filipino workforce sa larangan ng konstruksyon sa pamamagitan ng makabagong pagsasanay at skills development programs. Ayon sa kumpanya, ang pasilidad ay maaaring tumanggap ng hanggang 500 trainees at magbibigay ng holistic training para sa craft workers at professional staff.
Sa pahayag ni EEI Training Academy President Jesus Teodoro C. Reyes, ang akademya ay hindi lamang para makahanap ng pinakamahusay na talento kundi para alagaan at paunlarin ang mga ito.
“Habang kilala kami sa pagtatayo ng matitibay na estruktura, pantay ang aming dedikasyon sa pagbuo ng matatag na pundasyon para sa aming human capital,” ani Reyes.
Inaasahang makatutulong ang akademya hindi lamang sa mga empleyado ng EEI kundi pati sa pagpapalakas ng construction workforce sa rehiyon ng Cavite at mga karatig-lalawigan.

- EEI Corp. pormal ng binuksan ang TESDA-Accredited Training Academy sa Tanza, Cavite - February 11, 2026
- Tuloy-tuloy na suporta sa edukasyon ng Calambeño, 126,000 mag-aaral, nakinabang sa programang pang-edukasyon ng Calamba - February 9, 2026
- House revives long-delayed effort to implement Anti-Political dynasty provision - February 9, 2026
