ENERGY REFORMS

𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗨𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 | Patuloy na isinusulong ni LaguNanay Cong. Ann Matibag ang mga repormang makatutulong upang maging mas abot-kaya, maaasahan, at pangmatagalan ang suplay ng kuryente sa bansa.

Photo Courtesy: Cong. Ann Matibag/fb page

Bilang Vice Chairperson ng House Committee on Energy, nakibahagi si Matibag sa committee hearing na tumalakay sa mga panukalang batas para sa pagpapalawak ng paggamit ng solar energy, energy storage systems, at behind-the-meter electricity generation.

Photo Courtesy: Cong. Ann Matibag/fb page

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, layunin na mabigyan ang mga tahanan at negosyo ng mas maraming paraan upang makagawa, makapag-imbak, at mas mahusay na magamit ang sariling kuryente—na maaaring makatulong sa pagbawas ng konsumo at buwanang electric bill.

Para kay Matibag, ang enerhiya ay hindi lamang usapin ng suplay. Ito ay direktang konektado sa pang-araw-araw na gastusin, kabuhayan, at kalidad ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino.

Mas episyenteng enerhiya. Mas abot-kayang kuryente. Mas maginhawang buhay para sa bawat Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *