OFW Party List, Nagpasalamat sa Suporta; Nangakong Magpapatuloy sa Paninindigan para sa OFWs

Nagpahayag ng pasasalamat si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa pagtatapos ng kanyang unang termino sa Kongreso, kalakip ang pangakong ipagpapatuloy ang laban para sa kapakanan ng mga OFW, seafarers, at kanilang pamilya.
Sa loob ng tatlong taon, 66 panukalang batas ang inihain ng OFW Party List, kabilang ang Magna Carta of Filipino Seafarers (RA 12021) at Internet Voting Bill (HB 10178). Bumisita rin sila sa 11 host countries upang direktang marinig ang hinaing ng mga OFW.
Tinugunan ng partido ang mga isyu tulad ng:
🔹 Abuso sa Seasonal Workers Program sa South Korea
🔹 Undocumented children sa Middle East
🔹 Balikbayan box anomalies (na nauwi sa Joint Administrative Order No. 01)
🔹 Illegal recruitment, human trafficking, at reintegration programs
Bagaman hindi nakaupo sa 20th Congress, naghain si Magsino ng petisyon sa Korte Suprema upang igiit ang patas na representasyon sa ilalim ng party list system.
“Hindi rito nagtatapos ang laban. Patuloy kaming titindig para sa mga OFW at seafarers,” ani Magsino.
- LaguNanay, Nanguna sa Pagtulong sa mga Biktima ng Landslide sa San Pedro City - July 19, 2025
- KINATAWAN NG BIÑAN, NAGHAIN NG 8 PANUKALANG BATAS AT 1 RESOLUSYON SA KONGRESO - July 12, 2025
- Higit 50 Poste ng Kuryente tatanggalin sa Los Baños para maibsan ang matinding Trapiko — Gov. Aragones - July 4, 2025