OFW Party List, Nagpasalamat sa Suporta; Nangakong Magpapatuloy sa Paninindigan para sa OFWs
Nagpahayag ng pasasalamat si OFW Party List Rep. Marissa โDel Marโ Magsino sa pagtatapos ng kanyang unang termino sa Kongreso, kalakip ang pangakong ipagpapatuloy ang laban para sa kapakanan ng mga OFW, seafarers, at kanilang pamilya.
Sa loob ng tatlong taon, 66 panukalang batas ang inihain ng OFW Party List, kabilang ang Magna Carta of Filipino Seafarers (RA 12021) at Internet Voting Bill (HB 10178). Bumisita rin sila sa 11 host countries upang direktang marinig ang hinaing ng mga OFW.
Tinugunan ng partido ang mga isyu tulad ng:
๐น Abuso sa Seasonal Workers Program sa South Korea
๐น Undocumented children sa Middle East
๐น Balikbayan box anomalies (na nauwi sa Joint Administrative Order No. 01)
๐น Illegal recruitment, human trafficking, at reintegration programs
Bagaman hindi nakaupo sa 20th Congress, naghain si Magsino ng petisyon sa Korte Suprema upang igiit ang patas na representasyon sa ilalim ng party list system.
โHindi rito nagtatapos ang laban. Patuloy kaming titindig para sa mga OFW at seafarers,โ ani Magsino.
- Mekeni Brings Filipino Flavor and Innovation to WOFEX 2026 - August 12, 2026
- Cabuyao Opens Modern Integrated Learning Facility at Marinig National High School - August 12, 2026
- ENERGY REFORMS - August 12, 2026
