๐๐ผ๐บ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฐ: ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฒ๐ป๐ป๐ถ๐ โ๐๐ฒ๐ป๐ต๐ฎโ ๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐น๐ธ๐ฎ๐น๐ฑ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐๐๐ฎ๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ธ๐ผ๐
Sa kabila ng mga pangbabatikos at kontrobersiyang kinakaharap ni City of Cabuyao Mayor Dennis โDenhaโ Hain, nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na nananatiling lehitimong alkalde si Hain.
Ayon kay Garcia, wala pang anumang desisyon o kautusan mula sa Comelec na nagpapawalang-bisa sa panunungkulan ni Hain, kaya patuloy pa rin itong kikilalaning mayor ng lungsod.
โHanggaโt walang pinal na desisyon o kautusan mula sa Comelec, nananatili sa puwesto ang sinumang halal na opisyal,โ ani Garcia.
Ipinunto rin ng Comelec chair na tanging ang korte o ang Comelec en banc lamang ang maaaring magpatalsik sa isang halal na opisyal sa pamamagitan ng pinal na resolusyon.
Samantala, patuloy pa ring ginagampanan ni Mayor Hain ang kanyang mga tungkulin sa Lungsod ng Cabuyao sa kabila ng mga batikos at kritisismong natatanggap niya mula sa mga netizen sa social media.
- Tuloy-tuloy na suporta sa edukasyon ng Calambeรฑo, 126,000 mag-aaral, nakinabang sa programang pang-edukasyon ng Calamba - February 9, 2026
- House revives long-delayed effort to implement Anti-Political dynasty provision - February 9, 2026
- Sari-sari Stores Nanguna sa Koleksyon ng Buwis ng San Pablo City; Halos Doble ang Kita mula Business Renewals - February 4, 2026
