ππππ‘ LEADS | AGARANG TULONG PARA SA MGA EVACUEE SA CABUYAO
Pinangunahan ni Chief in New Governance Richard Dondon Hain ang pamamahagi ng relief packs para sa mga residenteng naapektuhan at napilitang lumikas dahil sa sitwasyon sa ilang bahagi ng Cabuyao City.


Kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at mga volunteer, naipamahagi ang mga food packs sa mga evacuee mula sa Barangay Poblacion Tres at Baclaran.
Nakatanggap din ng tulong ang mga residenteng naapektuhan sa Tarikan, Barangay Sala.
Layunin ng relief distribution na matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang pansamantalang lumikas at mabigyan sila ng agarang suporta habang nagpapatuloy ang response operations ng lokal na pamahalaan.


Ayon kay Hain, mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan ng pamahalaan, mga ahensya, at volunteers upang mabilis at maayos na maihatid ang tulong sa mga residenteng nangangailangan.
Sa panahon ng pangangailangan, serbisyo at malasakit ang dapat mauna.
- Mekeni Brings Filipino Flavor and Innovation to WOFEX 2026 - August 12, 2026
- Cabuyao Opens Modern Integrated Learning Facility at Marinig National High School - August 12, 2026
- ENERGY REFORMS - August 12, 2026
