AGARANG KILOS PARA SA KALIGTASAN NG KOMUNIDAD, ISINAGAWA SA CALAUAN
CALAUAN, LAGUNA — Nagsagawa ng agarang paglilinis sa mga daluyan ng tubig sa Sitio Gating-Gating, Barangay Masiit, Calauan, Laguna, bilang bahagi ng mga hakbang upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig at makatulong na maiwasan ang pagbaha sa mga komunidad.


Nakiisa mismo si Calauan Mayor. Roseller “Osel” Caratihan sa clearing operations kasama ang Calauan Disaster Risk Reduction and Management (DRRM), Konsi Charles Caratihan Action Team, at M7350 Action Team.
Personal na tumulong ang alkalde sa pagkayod at pagtanggal ng mga damo, basura at iba pang bara sa mga daanan ng tubig upang mapanatiling maluwag ang daluyan.



Layunin ng clearing operation na mabawasan ang posibilidad ng pagbaha sa mga Barangay Masiit, San Isidro, Hanggan at Bangyas, partikular sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pag-apaw ng tubig.
- The Courage to Start Again - September 26, 2026
- CARD MRI Hijos Tours unveils ‘Isla at Pamana’ heritage tour in Western Visayas - September 26, 2026
- CARD MRI recognized by Kenya’s CIC Insurance Group for advancing microinsurance - September 26, 2026
