๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐บ๐ผ. – ๐๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐บ๐บ๐ถ๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป
Naniniwala ang Bureau of Immigration (BI) na ang mahigpit na seguridad sa mga paliparan at pantalan ng bansa ay mahalagang salik sa patuloy na pagdami ng mga dayuhang turistang bumibisita sa Pilipinas.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, patuloy ang pagtaas ng tourist arrivals sa ikalawang quarter ng 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Mula sa 1.337 milyong arrivals noong Abril 2025, umakyat ito sa 1.358 milyon ngayong taon, habang tumaas din ang bilang noong Mayo mula 1.299 milyon tungo sa 1.309 milyon.
Kahit sa buwan ng Hunyo, na karaniwang itinuturing na lean season dahil sa tag-ulan at pagbubukas ng klase, nananatiling positibo ang bilang ng mga dumarating na turista.
Nananatiling nangungunang pinagmumulan ng mga turista ang South Korea, kasunod ang Estados Unidos, Canada, Japan, at China.
Ayon kay Sandoval, magkaugnay ang kampanya ng BI na โProtect the Philippinesโ at ng Department of Tourism na โLove the Philippinesโ dahil ang isang ligtas at maayos na bansa ay mas kaakit-akit sa mga dayuhang bisita.
Binigyang-diin din niya na mahalaga sa mga turista ang katiyakang ligtas ang bansa at mahusay na nababantayan ang mga hangganan nito sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.
Kaugnay nito, isinusulong ng BI ang โฑ10.74-bilyong Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) Project sa ilalim ng Public-Private Partnership. Layunin nitong gawing mas moderno ang border control sa 11 pangunahing paliparan, isang international seaport, at anim na border stations sa pamamagitan ng biometric facial recognition, contactless corridors, immigration kiosks, at advanced passenger screening systems.
Ani Sandoval, magpapatuloy ang BI sa pagpapahusay ng mga proseso at sistema nito upang maisulong ang mas moderno at episyenteng serbisyo sa imigrasyon alinsunod sa layunin ng administrasyon.
- Backdoor exits, foreign arrests renew calls to modernize PH border security - July 8, 2026
- Experts warn tech-enabled trafficking demands innovation - June 24, 2026
- ๐๐: ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด โ๐๐ป๐ฑ-๐๐ผ-๐๐ป๐ฑโ ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐บ, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐๐๐ถ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ฒ๐ด๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ - June 17, 2026
