๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ. – ๐—•๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜‚ ๐—ผ๐—ณ ๐—œ๐—บ๐—บ๐—ถ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

0
๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ. – ๐—•๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜‚ ๐—ผ๐—ณ ๐—œ๐—บ๐—บ๐—ถ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

Naniniwala ang Bureau of Immigration (BI) na ang mahigpit na seguridad sa mga paliparan at pantalan ng bansa ay mahalagang salik sa patuloy na pagdami ng mga dayuhang turistang bumibisita sa Pilipinas.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, patuloy ang pagtaas ng tourist arrivals sa ikalawang quarter ng 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Mula sa 1.337 milyong arrivals noong Abril 2025, umakyat ito sa 1.358 milyon ngayong taon, habang tumaas din ang bilang noong Mayo mula 1.299 milyon tungo sa 1.309 milyon.

Kahit sa buwan ng Hunyo, na karaniwang itinuturing na lean season dahil sa tag-ulan at pagbubukas ng klase, nananatiling positibo ang bilang ng mga dumarating na turista.

Nananatiling nangungunang pinagmumulan ng mga turista ang South Korea, kasunod ang Estados Unidos, Canada, Japan, at China.

Ayon kay Sandoval, magkaugnay ang kampanya ng BI na โ€œProtect the Philippinesโ€ at ng Department of Tourism na โ€œLove the Philippinesโ€ dahil ang isang ligtas at maayos na bansa ay mas kaakit-akit sa mga dayuhang bisita.

Binigyang-diin din niya na mahalaga sa mga turista ang katiyakang ligtas ang bansa at mahusay na nababantayan ang mga hangganan nito sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Kaugnay nito, isinusulong ng BI ang โ‚ฑ10.74-bilyong Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) Project sa ilalim ng Public-Private Partnership. Layunin nitong gawing mas moderno ang border control sa 11 pangunahing paliparan, isang international seaport, at anim na border stations sa pamamagitan ng biometric facial recognition, contactless corridors, immigration kiosks, at advanced passenger screening systems.

Ani Sandoval, magpapatuloy ang BI sa pagpapahusay ng mga proseso at sistema nito upang maisulong ang mas moderno at episyenteng serbisyo sa imigrasyon alinsunod sa layunin ng administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *