๐๐ถรฑ๐ฎ๐ป ๐๐๐จ, ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ ๐๐๐ฆ ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐น ๐๐ธ๐ถ๐น๐น๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ฆ ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฟ๐
Pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng Biรฑan, sa pamamagitan ng ICTOโTech4Ed Center, at ng DepEd Schools Division Office of Biรฑan CityโAlternative Learning System (ALS) ang kanilang partnership para sa pagpapatupad ng Digital Literacy Training para sa mga ALS learners.

Isinagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) signing ngayong Agosto 11, na naglalayong palawakin ang access ng mga ALS learners sa digital technology at mapaunlad ang kanilang mga kasanayan sa paggamit ng ibaโt ibang digital tools.

Ayon kay Biรฑan Mayor GEL Alonte kabilang sa mga prayoridad ng lungsod ang pagsusulong ng digitalization at pagtiyak na magiging accessible ang mga benepisyo nito sa lahat, kabilang ang mga mag-aaral ng ALS.

Sa pamamagitan ng programa, inaasahang mas mapapalakas ang digital skills ng mga ALS learners na maaari nilang magamit sa kanilang pag-aaral, personal na pag-unlad, at paghahanda para sa mas maraming oportunidad sa hinaharap.
Layunin din ng partnership na makatulong sa pagbibigay ng mas inklusibong learning opportunities at mas mahusay na paghahanda sa mga ALS learners para sa isang digital na mundo.
- Mekeni Brings Filipino Flavor and Innovation to WOFEX 2026 - August 12, 2026
- Cabuyao Opens Modern Integrated Learning Facility at Marinig National High School - August 12, 2026
- ENERGY REFORMS - August 12, 2026
