๐—•๐—ถรฑ๐—ฎ๐—ป ๐—Ÿ๐—š๐—จ, ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ธ๐—ถ๐—น๐—น๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€

0
๐—•๐—ถรฑ๐—ฎ๐—ป ๐—Ÿ๐—š๐—จ, ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ธ๐—ถ๐—น๐—น๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€

Pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng Biรฑan, sa pamamagitan ng ICTOโ€“Tech4Ed Center, at ng DepEd Schools Division Office of Biรฑan Cityโ€“Alternative Learning System (ALS) ang kanilang partnership para sa pagpapatupad ng Digital Literacy Training para sa mga ALS learners.

Isinagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) signing ngayong Agosto 11, na naglalayong palawakin ang access ng mga ALS learners sa digital technology at mapaunlad ang kanilang mga kasanayan sa paggamit ng ibaโ€™t ibang digital tools.

Ayon kay Biรฑan Mayor GEL Alonte kabilang sa mga prayoridad ng lungsod ang pagsusulong ng digitalization at pagtiyak na magiging accessible ang mga benepisyo nito sa lahat, kabilang ang mga mag-aaral ng ALS.

Sa pamamagitan ng programa, inaasahang mas mapapalakas ang digital skills ng mga ALS learners na maaari nilang magamit sa kanilang pag-aaral, personal na pag-unlad, at paghahanda para sa mas maraming oportunidad sa hinaharap.

Layunin din ng partnership na makatulong sa pagbibigay ng mas inklusibong learning opportunities at mas mahusay na paghahanda sa mga ALS learners para sa isang digital na mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *