𝗕𝗶ñ𝗮𝗻 𝗟𝗚𝗨, 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗔𝗟𝗦 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗴𝗶𝘁𝗮𝗹 𝘀𝗸𝗶𝗹𝗹𝘀 𝗻𝗴 𝗔𝗟𝗦 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿𝘀

0
𝗕𝗶ñ𝗮𝗻 𝗟𝗚𝗨, 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗔𝗟𝗦 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗴𝗶𝘁𝗮𝗹 𝘀𝗸𝗶𝗹𝗹𝘀 𝗻𝗴 𝗔𝗟𝗦 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗿𝘀

Pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng Biñan, sa pamamagitan ng ICTO–Tech4Ed Center, at ng DepEd Schools Division Office of Biñan City–Alternative Learning System (ALS) ang kanilang partnership para sa pagpapatupad ng Digital Literacy Training para sa mga ALS learners.

Isinagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) signing ngayong Agosto 11, na naglalayong palawakin ang access ng mga ALS learners sa digital technology at mapaunlad ang kanilang mga kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang digital tools.

Ayon kay Biñan Mayor GEL Alonte kabilang sa mga prayoridad ng lungsod ang pagsusulong ng digitalization at pagtiyak na magiging accessible ang mga benepisyo nito sa lahat, kabilang ang mga mag-aaral ng ALS.

Sa pamamagitan ng programa, inaasahang mas mapapalakas ang digital skills ng mga ALS learners na maaari nilang magamit sa kanilang pag-aaral, personal na pag-unlad, at paghahanda para sa mas maraming oportunidad sa hinaharap.

Layunin din ng partnership na makatulong sa pagbibigay ng mas inklusibong learning opportunities at mas mahusay na paghahanda sa mga ALS learners para sa isang digital na mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *